Hindi pa masabi sa ngayon ni Health Sec. Francisco Duque III kung pwede ng ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila sa Pasko.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Duque na mahirap pang sabihin ito sa ngayon, sapagkat magde-depende ito sa ipakikita ng mga datos sa mga susunod na araw.
Kailangan aniyang maiwasang tumaas at lumagpas sa 7 ang average attack rate upang hindi ito mauwi sa high-risk level.
Hindi rin dapat umabot sa 71% – 84% ang health care capacity dahil mangangahulugan itong napupuno na naman ang mga ospital.
Kung kaya’t mahigpit aniya ang ginagawa nilang monitoring kada-Linggo sa ilang mga panuntunan.
Kasunod nito, sa oras aniya na bumaba sa isang libo o 500 ang mga kaso sa NCR ito na ang magiging hudyat upang tuluyang ibaba sa Alert Level 1 ang restriction sa Metro Manila.