DOH, sinegundahan ang pahayag ni Pangulong BBM na parang trangkaso na lang ang Omicron variant

Sinuportahan ng Department of Health (DOH) ang pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na parang trangkaso na lamang ang Omicron variants ng COVID-19.

Iginiit ng DOH na bagama’t mas nakahahawa ang Omicron variant ay hindi naman ito nagreresulta ng kritikal na kaso.

Batay rin anila sa datos mula December 2021 hanggang February 2022, nasa 3.09% ng kaso ng Omicron lamang ang naging severe o critical.


Ito ay base sa datos na nagpakitang 8.72% ng tinamaan ng Delta variant noong August hanggang October 2021 at 6.22% ng inabot ng Alpha variant noong March hanggang May 2021 ang nakaranas ng malalang sintomas ng infection.

Bukod dito, 1.8% lamang ng tinamaan ng Omicron variant ang namatay kumpara sa 5.55% ng Alpha at 4.9% ng Delta variants.

Facebook Comments