Sinisiguro ng Department of Health (DOH) na handa at kayang asikasuhin ng health facilities ang mga pasyente.
Ito’y sakaling magkaroon ng pagtaas sa kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Albert Domingo, alam na ng mga ospital at health facilities ang mga gagawin kung muling tumaas ang bilang ng mga mahahawaan ng nasabing sakit.
Maging ang healthcare workers ay nakahanda na rin gayundin ang ibang ahensiya na katuwang ng DOH.
Nabatid na ang pahayag ay inilabas ng DOH sa kabila ng naitalang bagong variant ng COVID-19 na kung tawag in ay “Flirt” o KP.2 at KP.3 na unang natukoy na nagmula sa Singapore.
Napag-alaman na marami nang bansa ang nakapagtala ng kaso ng bagong variant na patuloy namang mino-monitor ng DOH.
Hinihikayat ng DOH ang publiko na magkaroon ng disiplina sa sarili tulad ng tamang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar at alagaan ang kalusugan.