
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda ang mga ospital sa Metro Manila sakaling tumama ang The Big One.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, may kakayahan ang lahat ng DOH hospitals na magdagdag ng 10% sa kanilang bed capacity.
Bukod dito, magpapatupad rin ng contingency plans upang maserbisyuhan ang mga pasyente sa oras ng malaking sakuna.
Sinabi ni Herbosa, ang mga DOH hospitals sa Four Quadrants ng NCR ay may sapat na surge capacity, emergency supplies, at medikal na tauhan para sa mabilis na pagtugon.
Kabilang sa mga inihandang hakbang sa posibilidad ng pagtama ng The Big One ay ang pagtatayo ng evacuation areas, pagkakaroon ng power backup systems, at coordinated emergency response sa lahat ng ospital.
Dagdag ni Secretary Herbosa, bahagi ito ng mas pinaigting na disaster preparedness ng kagawaran upang matiyak na bawat buhay ay protektado sa oras ng the big one.









