DOH, sinisilip na ang Hong Kong flight manifest

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa mga opisyal ng Hong Kong kasunod ng ulat na may isang biyahero mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsagawa na sila ng coordination sa International Health Regulations (IHR) ng Hong Kong para humingi ng karagdagang detalye.

Sinisikap na rin ng ahensya na makuha ang flight manifest ng tinukoy na Hong Kong flight partikular ang Philippine Airlines flight PR300.


Tiniyak ni Vergeire na maglalabas sila ng abiso kapag nakumpleto na nila ang impormasyon.

Facebook Comments