DOH sisimulan na ang clinical trial sa Avigan

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sisimulan na sa Hulyo ang clinical trial para sa Avigan, na sinasabing gamot sa COVID-19.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na pagdating ng ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo ay uumpisahan na ang Avigan clinical trial.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng DOH ang approval at clearance mula sa ethics committee at regulatory clearance ng Food and Drug Authority (FDA).


Ang Avigan na mula sa Japan ay isang antiviral medication sa COVID-19.

Nagamit ang Avigan sa China, partikular sa severe COVID-19 patients.

₱18 million ang inilaan ng gobyerno ng Pilipinas para sa trial.

Facebook Comments