DOH: SRP sa face shield, hindi bababa sa P50

Inirekomenda na ng Department of Health sa Department of Trade and Industry ang Suggested Retail Price para sa face shield.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi tataas ng 50-pesos kada piraso ang inirekomenda nilang SRP sa DTI, pero hindi pa ito naaaprubahan ni Health Sec. Francisco Duque III.

Tiniyak ng DOH sa publiko na hindi tataas ang presyo ng face shield base na rin sa materyales na ginamit sa paggawa nito.


Una nang iginiit sa interview ng RMN Manila ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na pananagutin ang mga kumpanyang hindi susunod sa pagpapatupad ng mga bagong panuntunan sa health protocols laban sa COVID-19, partikular ang pagsusuot ng face shield sa mga working areas at face mask.

Ayon kay Bello, dapat ding sagutin ng mga kumpanya o employers ang bawat face shield ng kanilang mga empleyado.

Facebook Comments