DOH, suportado ang 100% pagpapatupad ng face-to-face classes ng mga mag-aaral

Pabor ang Department of Health (DOH) sa 100% pagpapatupad ng face-to-face classes ng mga bata.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na dapat na talagang buksan ang mga eskwelahan upang makapasok na muli ang mga bata.

Pero kailangan aniyang masiguro na ligtas ang babalikang mga eskwelahan ng mga mag-aaral at estudyante.


Magagawa aniya ito kung masusunod ang minimum public health standards sa lahat ng silid aralan.

Dapat aniyang magsuot ng face mask ang mga bata lalo na at mahirap ipatupad ang physical distancing sa pagbabalik nila sa mga paaralan.

Sinabi pa ni Vergeire na ang mga guro at iba pang non-teaching personnel ay kinakailangan bakunado.

Ginawa ng DOH ang pahayag na ito sa gitna ng panukala ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na gawin nang 100% ang face-to-face classes ng mga bata pagsapit ng Nobyembre.
+

Facebook Comments