Manila, Philippines – Suportado ng Department of Health ang isinusulong ng isang kongresista na magkaroon ng information dissemination sa buong bansa kaugnay sa Avian Flu, ito ay para malabanan ang pagkalat nito.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, sa kasalukuyan, inuuna muna nilang ipaliwanag sa mga taga Pampanga ang mga impormasyon kaugnay sa Avian flu upang hindi magpanic ang mga residente sa lugar.
Halimbawa aniya, ang mga taga patay sa mga infected na manok at yung pamilya ng mga ito.
Ayon kay Tayag, bago isalang sa culling ang mga ito, ay ipinapaliwanag muna sa kanila at sa kanilang pamilya na sakaling magkaroon ng human transmission ay malabo naman itong maipasa sa iba o kung tawagin ay human to human transmission.
Ayon naman kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, batid ng ahensya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tama at sapat na impormasyon, kaya’t puspusan ang ginagawa nilang koordinasyon sa kanilang mga regional offices para sa pagpapakalat ng impormasyon.