Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang lahat na iwasan muna ang pangangaroling ngayong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mabilis na naikakalat ang virus sa pamamagitan ng pagkanta kumpara sa pagsasalita o paghinga.
Mas mainam na huwag munang gawin ang mga ganitong aktibidad habang nananatili ang banta ng COVID-19.
Pero sinabi ni Vergeire na ang pagbabawal sa caroling ay nasa pagpapasya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Una nang inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbawal muna sa buong bansa ang pangangaroling ngayong Christmas season.
Facebook Comments