DOH, suportado ang target ng pamahalaan na mailagay sa MGCQ ang lahat ng lugar sa bansa sa unang quarter ng 2021

Suportado ng Department of Health (DOH) ang target ng pamahalaan na mailagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lahat ng lugar sa bansa sa unang quarter ng taong 2021.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kung magagawa ng mga Local Government Units (LGU) sa katapusan ng Disyembre na magkaroon ng gate keeping indicators ay maaaring bumaba sa MGCQ ang klasipikasyon sa lahat ng lugar.

Aniya, kung ang bawat LGUs ay may mga hakbang upang magawang makontrol ang transmission ng COVID-19, posibleng mapigilan ang pagkalat ng virus.


Dagdag pa ni Vergeire, sakaling mailagay sa MGCQ ang bawat lugar sa bansa, magagawa nang maka-adopt ng publiko sa tinatawag na “new normal”.

Kailangan lamang aniya na masunod pa rin ang mga ipinapatupad na pag-iingat kontra COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang physical distancing.

Ang MGCQ ang pinaka-mababang klasipikasyon sa community quarantine na ipinapatupad ng pamahalaan bilang hakbang upang hindi kumalat ang virus.

Facebook Comments