Susunod ang Department of Health (DOH) sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) sa pagtataguyod ng Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration (PDITR) o gatekeeping indicators.
Ito ang naging tugon ng DOH sa pahayag ng WHO na hindi nila suportado ang “lockdown” bilang hakbang sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay WHO Special Envoy Dr. David Nabarro, posibleng maapektuhan ang global economy ang pagdepende sa lockdown kung saan hindi nila tinatangkilik ang pagpapatupad nito bilang pangunahing paraan ng pagkontrol sa virus.
Sinabi naman ng DOH na ang quarantine ay hindi sapat pero kailangan tiyakin ang kakayahan ng mga Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang ilang paraan tulad ng contact tracing, surveillance at iba pa.
Ito rin ang dahilan kaya’t nagtakda ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng mga target upang matiyak na ang lahat ng LGUs ay may kakayahan at magagawang matupad ang lahat ng mga gatekeeping indicators bago matapos ang taon.