DOH, target ang COVID-19 ‘population protection’ sa NCR Plus 8 bago matapos ang taon

28

Target ng Department of Health (DOH) na maabot ang COVID-19 “population protection” sa NCR Plus 8 ngayong taon.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kakayanin ng NCR Plus 8 na maabot ang population protection depende sa supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.


Aniya, ang population protection ay ang pagbabakuna sa most vulnerable o pinakalantad sa virus gaya ng healthcare workers, senior citizens at person with comorbidities.

Paliwanag ni Vergeire, sa ngayong nakatutok ang pamahalaan sa NCR Plus 8 o sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal kung saan may mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments