Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na maaabot ng pamahalaan ang target nitong 77 milyong indibidwal na mababakunahan sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng Hunyo.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na ito ay 85% ng kanilang targeted eligible population na 90 milyon.
Ayon kay Vergeire sa ngayon ay nasa 68.5 milyong Pilipino ang fully vaccinated at inaasahang maisasakatuparan ang nasabing 77 milyong target population.
Paliwanag pa ni Vergeire, focus ng kanilang vaccination campaign ngayon ang mga lugar na mababa pa rin ang vaccination coverage.
Kabilang dito ang BARMM, Region XII, Region VII, Region V, Region IV-B at Quezon sa Region IV-A.
Facebook Comments