Inihayag ng Department of Health (DOH) na target bakunahan ng bansa ang aabot sa 800,000 doses ng COVID-19 kada araw sa darating na Nobyembre.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang projection nila matapos malampasan ng bansa ang 500,000 na target nito para sa buwan ng Oktubre.
Noong Biyernes ay naabot ng bansa ang 700,000 doses ng bakuna.
Layon kasi ng bansa na makamit na mabakunahan ang 70% ng eligible population ng bansa bago matapos ang taon.
Ayon sa pinakahuling tala ng DOH, aabot sa mahigit 55 milyong katao na ang bakunado na kontra COVID-19 kung saan mahigit 25 milyon dito ang fully vaccinated na.
Facebook Comments