Manila, Philippines – Paiigtintin ng Department of Health ang pakikipagugnayan di lamang sa mga LGUs kundi maging sa Civil Service Commission.
Ito ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ay dahil sa CSC bumabagsak ang mga sumbong, reklamo at suhesyon ng publiko kaugnay sa serbisyo ng mga pampublikong ospital.
Ayon kay Duque, sa ganitong paraan, mababatid nila ang mga dapat isaayos at tutukan sa mga pampublikong ospital, lalo’t isa sa target ng ahensya ay ang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga mahihirap
Iginiit ni dating Customs INTELLIGENCE CHIEF NEIL ESTRELLA na walang probable cause para kasuhan siya sa korte kaugnay ng 6.4-billion pesos shabu shipment mula sa China.
Ayon kay Estrella , nababahala siya na makalusot sa pananagutan ang mga direktang responsable sa pagkakapuslit sa bansa ng naturan shabu shipment.
Si Estrella ay muling nagtungo sa Department of Justice (DOJ) para magsumite ng rejoinder sa kasong inihain ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nanindigan si Estrella na hindi sapat ang argumento ng PDEA para sabihin na may probable cause para masampahan ang Customs officials.
Aniya, pinasisinungalingan mismo ng certificate of coordination na inisyu ng PDEA ang alegasyon nito na sinapawan ng BOC-CIIS ang kanilang kapanyarihan na magsagawa ng drug investigation.
Pinapatunayan aniya ng nasabing certificate na ang drug operation na ginawa sa Valenzuela warehouse noong Mayo ay isinakatuparan sa ilalim ng hurisdiksyon ng PDEA.