DOH, target simulan ang Avigan trial ngayong buwan

Nakatakdang simulan ng Department of Health (DOH) ang clinical trials para sa Japanese anti-flu drug Avigan para sa mga pasyenteng may COVID-19 ngayong buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isinasapinal lamang nila ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasagawa ng trial.

Bubuo rin ng database para mabantayan ang health status ng trial participants at posibleng nakahanda na ito pagdating ng Lunes, Setyembre 7.


Kinumpirma rin ni Vergeire na nakipagpulong sila sa United States pharmaceutical company Pfizer at sa Russian Embassy para talakayin ang kanilang candidate vaccines para sa COVID-19.

Ang mga miyembro ng Office of the President, Health Secretary Francisco Duque III at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang humarap sa Pfizer.

Patuloy ring nakikipagnegosasyon ang DOH sa iba pang vaccine developers.

Facebook Comments