Tiwala ang Department of Health (DOH) na maabot ng pamahalaan ang target nitong makapagbakuna ng 120,000 indibidwal kada araw.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil tumataas na ang dumarating na suplay ng bakuna sa bansa.
Aniya, ang tinatakbo ng pagbabakuna ng bansa ay base na rin sa pagdating ng supply ng bakuna sa Pilipinas.
Base sa datos ng DOH nitong May 11, 2021, 66,000 na ang nababakunahan kada araw habang sa pinakahuling report ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. ay pumalo na ito sa 83,000 kada araw.
Facebook Comments