DOH, tiniyak ang commitment ng Marcos administration sa kapakanan ng mga lokal at dayuhang turista sa bansa

Ikinatuwa ni Health Secretary Ted Herbosa na maging bahagi ng kauna-unahang Tourist First Aid Facilities sa bansa.

Ayon kay Secretary Herbosa ang naturang inisyatiba na nagmula sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay isang malaking hakbang patungo sa commitment ng Department of Health (DOH) na palakasin ang wellbeing ng lokal at mga dayuhang turista.

Dagdag pa ni Herbosa na bahagi ng trabaho ng kanilang ahensya na siguruhing mayroong access ang mga turista sa medical assistance.


Paliwanag ng kalihim na ang nasabing pasilidad ay hindi lang magtitiyak sa seguridad ng mga turista kundi malaking tulong para sa health tourism objective ng bansa.

Facebook Comments