DOH, tiniyak ang mabilis na distribusyon ng COVID-19 vaccines sa Pasay City

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na pabibilisin nila ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa Pasay City para maprotektahan ang healthcare workers sa harap ng pagtaas ng kaso sa lugar.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikitaan ng spike ng COVID cases ang lungsod kaya magpapadala agad sila ng supply ng bakuna para sa mga health at barangay workers.

Ang pamamahagi ng bakuna sa Pasay City ay isang paraan para mapigilan ang tumataas na infections sa lungsod.


Nitong March 01, pumalo na sa 8,142 ang COVID-19 cases sa Pasay City kung saan 7,410 ang nakarekober sa sakit.

Facebook Comments