DOH, tiniyak ang publiko na walang dapat ikabahala matapos dumating ang mga pinoy galing Wuhan

Nilinaw ng Department of Health o DOH na asymptomatic ang nasa quarantine facility sa Athlete Village sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque na walang dapat ikabahala ang mga tao na nakatira malapit sa lugar.

Aniya, hindi dapat mag-panic ang publiko dahil kontrolado nila ang sitwasyon.


Umaga ngayong araw dumating sa quarantine facility sa Capas, Tarlac ang tatlongpung mga pinoy na galing Wuhan, China kung saan ang centro ng 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease o 2019 nCoV-ARD.

Samanatala, pinasalamatan naman ng Department of Foreign affairs o DFA ang 10-men na mula sa DOH at DFA na tumulong sa pag-repatriate ng mga pinoy na nasa centro ng 2019 nCoV-ARD.

Siniguro naman ng DFA na maipatutupad ang mahigpit na siguridad sa buong paligid ng quarantine facility.

Facebook Comments