DOH, tiniyak na kayang i-handle ang mga nadadagdag na COVID cases sa NCR at Cebu

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kayang i-handle ng kagawaran o ng healthcare system sa bansa ang mga panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Partikular na sa National Capital Region (NCR) at Cebu na kapwa may pinakamataas na kaso ng COVID.

Nilinaw din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang second wave local transmission ay nasa ibang lugar tulad ng NCR at Central Visayas partikular sa Cebu.


Kaugnay nito, inihayag ni Vergeire na patuloy pa rin ang pag-hire ng DOH ng bagong medical frontliners, kabilang ang nurses, medical technologists at contact tracers.

Una nang pinayuhan ang pamahalaan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na paigtingin ang contact tracing para tuluyan nang mag-flatten ang curve sa COVID cases.

Facebook Comments