DOH, tiniyak na aaksyunan sa ilalim ng batas ang isyu sa pamamahagi ng Ivermectin

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na tutugon sila sa nangyaring pamamahagi ng antiparasitic drug na Ivermectin sa Quezon City.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kikilos sila na naaayon sa mga kalasakuyang batas, mga magiging paglabag, at mga taong papanagutin.

Nakipag-coordinate na sila sa Professional Regulations Commission (PRC) hinggil dito at ibinigay nila ang mga report ukol sa mga invalid prescriptions.


Nais nilang malaman ang opinyon ng PRC sa ginawang practice of profession ng mga healthcare workers na sumali sa event.

Una nang sinabi ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) na hindi nila inirerekomenda ang Ivermectin bilang gamot sa COVID-19 dahil wala pa itong sapat na siyentipikong ebidensya.

Facebook Comments