Tiniyak ng Department of Health (DOH) na accurate o tama ang COVID-19 statistics kahit hindi kasama ang resulta mula sa antigen testing.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat o limang Local Government Unit (LGU) lamang sa Metro Manila ang gumagamit ng antigen tests.
Aniya, batay rin sa kanilang analysis sa buong bansa, walang 5% ang nagpapositive sa antigen test at nababawasan pa ito kapag naba-validate.
Nilinaw rin ni Vergeire na kanila ng tinitignan ang mga data na ito para madetermina kung maaaring maisama sa COVID-19 statistics.
Facebook Comments