DOH, tiniyak na ang lahat ng COVID-19 vaccines ay “ideal” para sa mga Pilipino

33

“Ideal” para sa lahat ng mga Pilipino ang lahat ng brand ng COVID-19 vaccines na mayroon ngayon ang bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang vaccine brand na magiging specific at mas akma para sa anumang uri ng sakit.


Dapat makakuha ng medical clearance ang mga pasyenteng mayroong autoimmune disease, HIV, cancer, transplant patients, mga sumailalim sa steroid treatment at mga pasyenteng bedridden bago mabakunahan laban sa COVID-19.

Hinikayat ni vergeire ang medical societies na tumulong sa DOH sa pagpapataas ng kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna.

Facebook Comments