DOH, tiniyak na handa sa banta ng Omicron variant ng COVID-19

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda ang bansa para labanan ang Omicron variant ng COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang ikaapat na kaso ng Omicron variant sa bansa na pawang mga international arrivals.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas handa na ang bansa sa banta ng Omicron kung ikukumpara sa sitwasyon natin dati.


Aniya, marami na rin sa ating mga kababayan ang bakunado na laban sa COVID-19 kumpara noong nakapasok ang Delta variant sa bansa.

Umaasa aniya sila na mapangasisiwaan ng bansa ang pagtaas ng bilang ng mga kaso kung sakaling magkaroon na ng Omicron sa ating mga komunidad.

Batay sa mga pag-aaral, ang Omicron variant ay mas nakakahawa kaysa sa Delta variant.

Facebook Comments