Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang supply ng gamot para Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Ito ang tugon ng ahensya matapos sabihin ni Anakalusugan Rep. Mike Defenson na nauubusan na ng gamot ang DOH para sa HIV patients.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nasa apat hanggang walong Linggo ang buffer stock ng Anti-Retroviral Therapy Drugs.
Ang kasalukuyang supply ay magtatagal pa ng hanggang dalawang buwan.
Siniguro rin ng kalihim na darating sa lalong madaling panahon ang bagong shipment ng drugs.
Pero ikinababahala ni Duque ang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.
Sa mga nagpositibo sa HIV, ang mga gamot at medical services ay available.
Facebook Comments