Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas ang mga brand ng ‘Metformin’ o gamot para sa Diabetes sa bansa.
Ito’y kasunod ng pag-iimbestiga ng Food and Drug Administration sa Estados Unidos sa nasabing gamot dahil sa posibleng mayroon itong mga sangkap na pwedeng magdulot ng Cancer.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, walang dapat ikabahala ang mga mayroong Type 2 Diabetes dito sa bansa.
Aniya, rehistrado ang mga Metformin Medicines na ibinebenta rito sa bansa.
Payo ng DOH, bumili sa mga lisensyadong butika para makatiyak sa mga gamot na binibili.
Facebook Comments