DOH, tiniyak na ligtas kainin ang processed meat products

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas kainin ang pork products.

Ito’y sa kabila ng pagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ng ilang processed pork products.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, walang dapat ikabahala ang mga nakakakin ng karneng baboy na may ASF.


Giit ni Domingo, puntirya ng ASF ay mga baboy kaya wala itong epekto sa kalusugan ng tao.

Pero payo ng DOH sa publiko, dapat hanapin ang mga processed pork meat products na may Certificate of Product Registration (CPR) dahil dumaan ito sa inspeksyon ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments