Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas pa ring kumain ng manok.
Ito’y kasunod ng lumabas sa isang pag-aaral noong nakaraang taon ng ang mga manok sa Metro Manila ay apektado ng bacteria na tinatawag na ‘campy-lobac-ter’
Batay sa pag-aaral na halos 80-porsyento sa mga sinuring manok ay nakitaan ng nasabing bacteria.
Ayon kay DOH Assistant Sec. Eric Tayag – mapupuksa naman ang campy-lobac-ter kapag niluto ng maigi ang manok.
Dagdag pa ni Tayag – hindi rin mainam na ibalik pa sa freezer ang mga na-defrost na manok.
Kinuwestyon naman National Meat Inspections Service (NMIS) Executive Director Ernesto Gonzales – na 200 manok lang naman ang kanilang sinuri.
Payo ng ahensya, panatiliin ang malinis na lugar ng paglulutuan at ugaliing maghugas ng kamay.