Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ligtas ng magpakonsulta sa mga hospital bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, nagpapatupad ang mga ospital ng standard ng mga pag-iingat.
Aniya, karamihan sa mga ospital ay pinag-susuot pa rin ng face shield ang mga pasyenteng nagpapakonsulta.
Bukod dito, mayroon ding disinfection system o palagiang paglilinis ang mga ospital.
Matatandaang simula ng pandemya, ipinapayong gawin na lamang online ang pagpapakonsulta sa mga doktor partikular ang mga pasyenteng hindi naman nangangailangan ng emergency attention.
Facebook Comments