Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mabisa ang primary vaccines at booster shot laban sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, batay sa isang pag-aaral sa United Kingdom ay lumabas na 81 porsyentong epektibo ang bakuna laban sa Omicron.
Aniya, mas mataas din ang booster value laban sa Omicron kumpara sa Delta variant.
Nasa tatlong porsyento lamang aniya ang booster value kontra Delta habang 16 percent naman sa Omicron.
Facebook Comments