DOH, tiniyak na mahusay at abot-kayang bakuna ang ibibigay sa mga Pilipino

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ibibigay sa mga Pilipino ang mga mahusay na bakuna na abot kaya ang presyo.

Ayon sa DOH, ang mga presyo ng bakuna ay batay sa rates na inilatag ng iba’t ibang manufactures.

Layunin lamang ng mga presyo na matantiya ang proposed budget para sa vaccination program.


Iginiit ng DOH na hindi pa ito ang presyong pinag-usapan ng gobyerno at ng manufacturer.

Hinimok din ng DOH ang publiko na pagkatiwalaan at igalang ang proseso dahil sinisiguro ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ‘best vaccines’ ang ibibigay sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na batid ng kagawaran ang panawagan ng mga medical experts sa bansa sa pamahalaan na bumili lamang ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Matatandaang binigyang diin ng Healthcare Professional Alliance Against COVID-19 (HPAAC) ang kahalagahan ng maayos na vaccine distribution.

Iginiit din nila na ang mga bakunang binigyan ng authorization ng Food and Drug Administration (FDA) para sa emergency use ang maaaring ibenta sa national government.

Facebook Comments