DOH, tiniyak na mananagot ang mga healthcare workers na sasadyaing magkamali sa pagtuturok ng COVID-19

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga healthcare workers na mapapatunayang sinadya ang pagkakamali sa pagtuturok ng COVID-19.

Kasunod ito ng pagkalat ng ilang video sa social media ukol sa mga maling pagtuturok ng bakuna sa mga binabakunahan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming health workers na matagal na sa serbisyo at hindi na bago sa ganitong industriya.


Pero kung mapapatunayang intentional ay mapipilitan silang parusahan ang sinumang magkakamali sa mga ito.

Sa ngayon, isinailalim na ng health department sa re-orientation ang mga vaccination sites para masigurong hindi na mauulit ang mga insidente ng pagmimintis sa pagbabakuna.

Patuloy namang binabantay ang mga vaccination site para siguruhing hindi na mauulit ang sablay na pagbabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments