DOH, tiniyak na may pondo ang PhilHealth para sa mga indigent patient kahit pa tinanggal ang subsidiya nito

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko na posibleng hindi mabayaran ang kanilang mga hospital bills sa susunod na taon.

Kasunod ito ng ginawang pagtanggi ng Kongreso na bigyan ng subsidize budget ang Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth sa ilalim ng 2025 Proposed General Appropriations Bill.

Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, hindi totoo na nawalan ng pondo ang PhilHealth matapos magdesisyon ang mga mambabatas na gawing zero budget ang PhilHealth.


Sabi ni Herbosa, nasa mahigit P290 billion ang reserve fund ng PhilHealth at kaya nitong pondohan ang hospital bills ng bawat Filipino.

Ginawa ni Herbosa ang paglilinaw matapos ang kaliwa’t kanan na batikos sa Kongreso dahil hindi nilagyan ng pondo ang PhilHealth.

Facebook Comments