DOH, tiniyak na may proseso ang pagtatapon ng vials ng bakuna para hindi ma-recycle

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may proseso ang pagtatapon ng mga ginamit na vials sa bakuna.

Ayon kay Dr. Beverly Ho ng DOH, layon nito na hindi ma-recycle ang mga bote o makopya ang label nito at iligal na maibenta sa mga botika.

Nanindigan naman ang DOH na prayoridad pa rin sa pagbabakuna ang healthcare workers.


Isusunod aniya ang senior citizens, Indigent population, uniformed personnel, government employees at huli ang general public.

Facebook Comments