Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatiling sapat ang health care system ng bansa para tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 35 percent pa lang ang nagagamit sa kabuuan ng Current Critical Care Utilization Rate (CCUR) sa banasa.
Tinukoy ni Vergeire ang mga CCUR gaya ng Intensive Care Units (ICUs) at mechanical ventilators.
Ayon pa kay Vergeire, ginagamit din ito para matukoy kung maaari ng alisin ang quarantine restriction sa isang lugar.
Sa ngayon ay bumagal ng 6.9 days mula sa dalawa hanggang tatlong araw ang pagdoble ng kaso ng COVID-19 sa bansa simula ng maghigpit ang pamahalaan sa lockdown measures.
Facebook Comments