DOH, tiniyak na patas na ipinamamahagi ang COVID-19 vaccines

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang COVID-19 vaccines ay patas na ipinamamahagi.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinusunod pa rin ang prioritization framework.

Wala silang pinipiling kahit anong brand ng COVID-19 vaccine na ipapadala sa mga rehiyon.


Itinanggi rin ng DOH na pinapaboran ng pamahalaan ang Davao sa pamamahagi ng Pfizer vaccines.

Giit ni Health Undersecretary Abdullah Dumama, parehas lamang ang doses na natatanggap ng Cebu at Davao.

Paglilinaw pa ni Dumama na ang doses ay hindi lamang sa Davao City pero sa buong Davao Region.

Nakatanggap ang Davao ng vaccine doses dahil may kakayahan itong magtago ng bakuna sa pamamagitan ng kanilang ultra low freezers.

Facebook Comments