DOH, tiniyak na sapat ang supply ng COVID-19 sa bansa para sa booster shot

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may sapat na suplay ng COVID-19 vaccines ang bansa, oras na simulan na ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare workers at priority groups.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabot sa 20 hanggang 25 million doses pa ng bakuna ang darating pa sa Pilipinas bago matapos ang taon.

Gayunman, aminado si Vergeire na aabutin pa ng hanggang 2022 ang pagbibigay ng booster shot dahil mayroon na lamang silang ilang buwan para isagawa ito.


Una nang nilinaw ni Vergeire na kailangan amyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng COVID 19 vaccines para mabigyan ng pahintulot ang booster shot ng bakuna.

Facebook Comments