Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat pa ang suplay ng mga oxygen sa bansa para sa mga nangangailangang pasyente na may COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, 14,000 oxygen tanks ang nagagamit kada araw sa buong bansa habang sa National Capital Region o NCR ay nasa 5,300.
Gayunman, hindi sila aniya magpapakampante kaya nakikipag-ugnayan na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa manufacturers sa Taguig, Cebu at Calamba sakaling biglang may pagtaas ng kaso na kinakailangan ng oxygen.
Batay sa survey ng DOH sa 1,221 ospital sa NCR Plus, tatlo o 25 percent ang may shortage isang beses sa isang araw; 15 o 1 percent ang reported shortage isang beses sa isang linggo; 63 o 5 percent ang reported shortage isang beses sa isang buwan at 77.75 percent o 943 ang naitalang walang shortage o kakulangan ng suplay ng oxygen sa buong araw o linggo.