DOH, tiniyak na sapat ang supply ng PPEs sa gitna ng surge ng COVID-19 cases

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na magiging sapat ang supply ng Personal Protective Equipment (PPEs) sa bansa sa harap ng nagpapatuloy na surge ng COVID-19 infections.

Ayon sa DOH, nakapamahagi na sila ng higit 190,000 supplemental PPE supplies sa 13 government hospitals sa National Capital Region (NCR) at higit 500,000 supplies sa walong Centers for Health Development (CHD) sa bansa mula March 18 hanggang 31.

Ipinaprayoridad ang mga ospital at CHD na nasa high at critical-risk areas para agad na madagdagan ang kanilang stocks at patuloy ang pagbibigay ng proteksyon sa mga healthcare workers.


Nasa 7,000 sets ng 210,000 assorted PPEs, N95 masks at heavy duty gloves ang ipinamahagi sa CHDs sa Metro Manila noong March 23.

Mayroon ding 114,000 sets ng PPEs na ipinadala sa Region 1, 2, 3 4-A at Cordillera Region at 190,000 sets sa Regions 4-B at 5.

Facebook Comments