Manila, Philippines – Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na wala pang kumpirmadong kaso ng taong tinamaan ng bird flu sa bansa.
Ito’y matapos ihayag ng Agriculture Department na isang uri ng bird flu strain ang nakakahawa na nakakahawa sa tao ang tumama sa Pampanga.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial – lahat ng 34 na suspect cases mula Pampanga at Nueva Ecija ay negatibo sa bird flu.
Dahil dito, itinalaga na ng DOH ang Jose B. Lingad Memorial Medical Center sa San Fernando, Pampanga at Paulino Garcia Memorial and Research Medical Center sa Cabanatuan, Nueva Ecija bilang referral hospital kung saan idadala ang mga suspected bird flu cases.
Facebook Comments