Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang nade-detect sa Pilipinas na presensya ng Indian Coronavirus variant na tinawag na “double mutant.”
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ni-review ng Philippine Genome Center (PGC) ang 5,000 specimen na hawak nila hinggil sa mga variant na mayroon ang bansa at walang nakitang Indian variant.
Ang “double mutant” variant ang siyang dahilan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 cases sa India na siya nang episentro ng virus sa buong mundo.
May presensya na rin ang nasabing variant sa United States, Australia, Israel, Switzerland at Singapore.
Facebook Comments