DOH, tiniyak na walang masasayang na AstraZeneca doses

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa mga COVID-19 vaccine na malapit nang mag-expire.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, 1.5 milyon ng mahigit dalawang milyong dose ng AstraZeneca vaccine ang nakatakdang ma-expire sa Hunyo habang sa Hulyo ang natitira.

Pero sa kabila ng expiration ng AstraZeneca vaccines, ipapamahagi pa rin aniya ang mga ito bilang unang dose.


Tiniyak din ni Vergeire na hindi substandard ang ipinadalang bakuna ng COVAX Facility.

Umaabot aniya ng anim na buwan ang “shelf life” ng lahat ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments