Tiniyak ni Department of Health (DOH) Sec. Teodoro Herbosa na walang masasayang na bivalent COVID-19 vaccines.
Partikular ang donasyon na 390,000 bivalent vaccines na sisimulang ilunsad sa June 21, 2023 sa Philippine Heart Center (PHC) sa Quezon City.
Ayon kay Herbosa, inatasan niya na rin ang kanilang executive committee members para paigtingin ang vaccination efforts kontra COVID-19.
Layon nito na maprotektahan ang publiko laban sa virus lalo na ang healthcare workers at Senior Citizens.
Facebook Comments