DOH, tiwalang mas marami pa ang magpapabakuna sa Metro Manila

28

Tiwala ang Department of Health (DOH) na mas marami ang magpapabakuna kasunod ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mahihikayat pa ang publiko na magpabakuna dahil batid nila na fully vaccinated lamang ang pinapayagan sa mga establisimyento.

Aniya, kung titignan ang mga negosyong nagbukas, lalo na sa mga enclosed na lugar, pinapayagan lamang na makapasok ang mga fully vaccinated laban sa COVID-19.


Umaasa naman si Vergeire na mapanatili ng mga establisyimento na makasunod sa health safety protocols.

Facebook Comments