DOH, tuloy-tuloy sa pagre-recruit ng mga medical health worker ayon sa Palasyo

May ginawagawang hakbang ang pamahalaan saka-sakaling hindi pa rin sumapat ang dagdag na medical health workers mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ito ay makaraang mapa-ulat ang kakulangan ng mga health worker sa iba’t ibang mga pagamutan dahil sa punuan pa rin ang mga Intensive Care Units (ICUs) at ward beds at dahil na rin sa nagkakasakit na ang mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa ngayon ay nagpapatuloy ang malawakang recruitment ng mga health professional.


Aniya, ito rin ang ginawa ng pamahalaan nang unang maranasan sa bansa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Paliwanag nito, tuloy-tuloy ang pagre-recruit ng Department of Health (DOH) para makapag-deploy ng karagdagang mga health worker.

Facebook Comments