DOH, tumanggap ng ICU bed na donasyon ng US Embassy

Bilang suporta sa COVID-19 response ng pamahalaan, nagbigay ang Unted States Embassy ng 420 Intensive Care Unit (ICU) bed na nagkakahalaga ng ₱23.9 million sa Department of Health (DOH).

Ayon kay US Embassy Charge d’ Affaires John Law, direktang suporta nila ito para sa medical facilities sa buong bansa.

Ang donasyong ICU beds ay makakatulong sa medical facilities na nasa COVID-19 high risk areas.


Bukod dito, nasa 180 ICU beds ang darating sa mga susunod na buwan para suportahan ang critical care capacity sa rural provinces sa Mindanao at Luzon.

Ang US ay nakapagbigay na ng higit ₱1.38 billion para suportahan ang COVID-19 response ng bansa.

Facebook Comments