DOH, tumutulong na rin sa pagbabantay at pagkumpiska ng smuggled processed foods

Patuloy ang Department of Health (DOH) sa monitoring at pagkumpiska sa mga smuggled processed food upang maiwasan ang pagpasok ng African swine fever (ASF) sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – nasa “top of situation” ang kanilang regulatory offices sa mga rehiyon.

Layunin din aniya nito na maiwasan ang contamination sa livestock.


Sakaling umabot ang smuggle processed food sa mga ambulant vendors, ang Local Government Units (LGUs) na ang may hurisdiksyon at i-report ito sa Food and Drug Administration (FDA).

Kasalukuyang umiiral ang ban ng FDA sa pork products na nanggagaling sa ilang bansang may kaso ng African swine fever.

Facebook Comments