DOH, umaasang hindi mauuwi sa community transmission ang mga kaso ng Delta variant sa bansa

Umaasa ang Department of Health (DOH) na ang sitwasyon ng Delta variant sa bansa ay hindi humantong sa community transmission.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinaiigting na ng pamahalaan ang lahat ng hakbang laban sa COVID-19 para hindi kumalat ang mas nakakahawang variant sa mga komunidad.

“That is the objective. Kaya tayo nag-iigting ng ginagawang measures ngayon at tayo ay nakikipag-usap sa local governments dahil ayaw natin na patuloy na kumalat ang mga variants of concern, specifically the Delta variant,” ani Vergeire.


Mula sa 47 kaso ng Delta variant sa bansa, 23 ang ikinokonsiderang local transmission.

Sa ilalim ng local transmission, magkakaugnay ang bawat kaso.

Pero kapag community transmission, hindi na malaman kung saan nagmula ang hawaan dahil sa sobrang daming variant cases.

Facebook Comments